Oktubre 23, 1976, nang makuha ng single na “If You Leave Me Now” ng Chicago ang No. 1 spot sa Billboard Hot 100 chart sa United States, ito ang unang pagkakataon na nanguna ang nasabing American jazz rock band sa chart. Ito ay nanatiling No. 1 sa loob ng dalawang linggo.

Kabilang sa mga awiting nakapaloob sa album na Chicago X, ang “If You Leave Me Now” ay isinulat at inawit ni Peter Cetera, ang lead vocalist ng nasabing banda, at iprinodyus ni James William Guercio. Sa 19th Grammy Awards, pinarangalan ang nasabing awitin bilang Best Arrangement Accompanying Vocalist(s) at Best Pop Vocal Performance by a Duo, Group or Chorus, at naging nominado bilang Record of the Year.

Naging No.1 din ang “If You Leave Me Now” sa United Kingdom makalipas ang halos isang buwan. Naging No. 1 din sa Billboard ang “Hard to Say I’m Sorry” noong 1982 at “Look Away” noong 1988.

Trending

KILALANIN: Si dating DPWH Usec. Catalina Cabral