Plano na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpatayo ng bus terminals sa labas ng EDSA, isang paraang nakikita ng ahensya para mabawasan ang sobrang higpit ng trapiko.

Sa interview ng radyo kay MMDA General Manager Thomas Orbos, sinasabi nitong sa labas na ng Metro Manila itatayo ang bus terminals.

Naniniwala si Orbos na ang 5,000 bus ay may malaking kontribusyon sa masikip na trapiko. “Matagal na naming sinasabi ‘yan. Isang cause ng trapik sa Metro Manila ay ‘yung limang libong buses o we would even expand it to 8,000. Kasama na ho ‘yung mga colorum na ang terminal nila sa loob ng Metro Manila,” pahayag nito.

Planong itayo ng MMDA ang bus terminals sa North, South, at Southwest ng Metro Manila. (Rizal S. Obanil)

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan