Hiniling ni Senator Sonny Angara sa kanyang mga kasamahan na suportahan ang kanyang anti-discrimination bill na magbibigay-daan upang maging pantay ang tao sa lipunan.
Nakasaad sa kanyang Comprehensive Anti-Discrimination Act, ang pagtanggal ng kahat ng uri ng diskriminasyon alinsunod sa Saligang Batas.
“This bill seeks to eliminate all forms of discrimination that offend the equal protection clause of the Bill of Rights by penalizing discriminatory practices particularly those based on age, racial or ethnic origin, religious belief or activity, political inclination or conviction, social class, sex, gender, sexual orientation, gender identity and expressions, marital or relationship status, disability, HIV status, health status or medical history, language, physical features, or other status,” ani Angara.
Mahaharap sa pagkakulong na hindi aabot sa anim na taon at multang P500,000 o pareho ang sinumang lalabag, kapag ang panukala ay naging ganap na batas. (Leonel M. Abasola)