PINAG-IINGAT ang publiko ng isang non-profit health at safety advocacy group laban sa potensyal ng panganib na maaaring idulot ng ilang Halloween items sa harap ng paghahanda ng mga bata at matatanda sa pagsapit ng Undas.
Bilang bahagi ng toy safety campaign nito, nagbabala ang EcoWaste Coalition sa mga mamimili ng mga popular na laruan na maaaring mayroong kemikal, delikadong malulon o umapoy o makasugat na maaaring makasira sa kasiyahan ng mga Halloween party.
“As the Halloween fad catches on in urban neighborhoods, party and event goers, especially young children, need to exercise precaution in choosing their costumes and toys as many of them have not passed through the required verification procedures by the health authorities,” saad ni Thony Dizon, coordinator ng Project Protect ng EcoWaste Coalition.
“Companies are required to apply for license to operate and product notification before placing toys and childcare articles (TCCA) in the market. Unfortunately, many Halloween toys being sold in discount shops where many consumers go have no valid TCCA product notification,” aniya.
“With the proliferation of toys in the market, parents need to pay equal attention to both the price and quality of the toys they buy for their kids. As not all toys have undergone and passed safety tests, parents should always be on the lookout for hidden dangers in some toys, such as choking and chemical hazards, that can jeopardize the health and well-being of their children.”
Para ialerto ang publiko sa panganib na maaaring idulot ng ilang laruan, bumili ang EcoWaste Coalition noong Oktubre 15 at 16 ng 115 laruan at dekorasyong pang-Halloween na nagkakahalaga ng P12 hanggang P130 kada piraso mula sa mga pormal at hindi pormal na tindahan sa Caloocan, Manila, Pasay, at Quezon City.
Ilan sa mga binili ang nakakatakot na maskara, devil headbands, pumpkin, at skull pails, imitation weapons, at mga brutal na Halloween accessory mula sa pekeng dugo hanggang “knife thru head.”
Sa 115 na nabili, 35 dito ang walang nakasulat na impormasyon. Sa 80 item na mayroong nakalagay na impormasyon, isa lamang (“Glow in the Dark” devil sickle) ang mayroong nakasulat na pangalan at detalye ng manufacturer o distributor at ang license to operate (LTO) number, ang model number ng produkto, age grade, usage instruction, at mga babalang pahayag.
Ipinahayag din ng grupo ang kanilang pagkabahala tungkol sa pekeng dugo dahil maaaring magkaroon ito ng likido ng nakasasamang bacteria o sangkap, na maaaring makasunog ng balat at mapagkamalang pagkain.
Nabahala rin ang grupo sa mga ibinebentang hindi rehistradong face paints sa merkado, na maaaring kontaminado ng lead, cadmium at iba pang mapanganib na kemikal. (PNA)