CEBU CITY – Naglunsad ng sabayang clean-up drive ang Department of Education (DepEd)-Cebu City Division sa mga pampublikong paaralang elementarya at high school sa siyudad nitong Biyernes ng hapon upang malinis ang mga pinangingitlugan ng mga lamok na nagdadala ng dengue.

Ginawa ang malawakang paglilinis matapos na 844 na estudyante ang dapuan ng dengue simula noong Enero ng kasalukuyang taon. Nasa 11 sa mga ito ang nasawi. (Mars W. Mosqueda, Jr.)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito