KUWENTO ng anak ng isang miyembro ng New People’s Army (NPA) na nang lumaki ay piniling maging sundalo ang tampok ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya.
Bata pa lang si Joseph (Zaijian Jaranilla) ay namulat na siya sa karahasan dala ng buhay na pinasok ng kanyang rebeldeng ama na si Johnny (Joem Bascon) at ina na si Aida (Antoinette Taus). Pinalaki siya ng ama na may paninindigan at handang lumaban para ipagtanggol ang mga inaabuso.
Hindi lingid kay Johnny na mapanganib ang buhay na dala niya sa kanyang pamilya kaya naman madalas sumagi sa isip niya kung iiwan na ba niya ang mga kasamang NPA para magsimulang muli sa buhay.
Lilipas ang panahon at magbabago ang pagtingin ni Johnny sa mga sundalo bilang mga awtoridad na tagapagtangol ng mga sibilyan.
Ito na ba ang hudyat ng pagbabagong buhay ni Johnny at ng kanyang pamilya? Makukuha na ba nila ang inaasam na matiwasay na pamumuhay? Paano mapupunta sa pagsusundalo ang batang kinamulatan sila bilang mga kaaway?
Kasama rin sa Maalaala Mo Kaya ngayong gabi sina Marco Masa, John Manalo, Daria Ramirez, Levi Ignacio, Hyubs Azarcon, Kris Martinez, Roy Requejo, at Tart Carlos, mula sa panulat nina Joan Habana at Arah Jell Badayos at sa direksiyon ni Garry Fernando.