Plano ng Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng panibagong voter’s registration sa Nobyembre.

Ito ay matapos na tuluyan nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang batas na nagpapaliban sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), na mula sa orihinal na petsang Oktubre 31, 2016 ay itinakda na sa Oktubre 23, 2017.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, matapos ang promulgasyon ng naturang batas ay makapaglalabas na rin ang poll body ng opisyal na resolusyon tungkol sa pagdaraos ng panibagong voter’s registration sa susunod na buwan.

Una nang itinakda ng Comelec ang pagbubukas ng voter’s registration noong Oktubre 3, 2016 hanggang Abril 2017, ngunit ipinagpaliban ito dahil hindi pa pormal na nalalagdaan ng Pangulo ang batas na nagpapaliban sa barangay polls.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Target ng Comelec na makapagrehistro ng dalawang milyong karagdagang botante para sa SK elections at tatlong milyon naman para sa barangay polls. (Mary Ann Santiago)