tom-copy

NAGTUNGO ang naghihiyawang fans sa Leicester Square sa London noong Huwebes para masilayan si Tom Cruise sa premiere night ng Jack Reacher: Never Go Back, na inilarawan niyang “classic action” na pelikulang may suspense.

Sa nasabing pelikula, muling ginampanan ni Cruise sa sequel ng kanyang 2012 film na Jack Reacher ang dating U.S military officer na naging pugante, sa layunin na ilantad ang conspiracy na nag-akusa ng espionage sa kanyang katrabaho na si Major Susan Turner.

Gumanap na Turner si Cobie Smulders – aktres ng How I Met Your Mother – na kasama rin sa European premiere.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“He’s just got such a unique wit,” paglalarawan ni Cruise kay Reacher, ang karakter na hinango sa mga librong isinulat ng British actor na si Lee Child, na mayroong cameo appearance sa pelikula.

Inihayag ni Cruise na busy siya sa paggawa ng ikaanim na pelikula ng Mission Impossible at nagpahiwatig na nakikipag-usap siya para gampanan ang popular role bilang daring pilot na si Maverick sa sequel ng Top Gun, bagamat tumigil na siyang magbigay ng mga pangako sa fans.

“We’ve been talking about it, it’s just the right script… it’s got to be right,” aniya sa Reuters.

Idinirehe ang Jack Reacher: Never Go Back ni Edward Zwick, na nakatrabaho si Cruise noong 2013 sa The Last Samurai.

(Reuters)