PRETORIA (Reuters) – Tatalikuran na ng South Africa ang International Criminal Court (ICC) dahil ang obligasyon nito ay hindi akma sa mga batas na nagbibigay ng diplomatic immunity sa mga nakaupong lider, ayon kay Justice Minister Michael Masutha nitong Biyernes.

Sinabi ng Pretoria noong nakaraang taon na binabalak nitong talikuran ang ICC matapos batikusin ng korte ang pagwawalang-bahala sa court order para arestuhin si Sudanese President Omar Hassan al-Bashir, inakusahan ng genocide at war crimes, nang bumisita noong nakaraang taon. Itinanggi ni Bashir ang mga akusasyon.

“The Implementation of the Rome Statute of the International Criminal Court Act, 2002, is in conflict and inconsistent with the provisions of the Diplomatic Immunities and Privileges Act, 2001,” sabi ni Masutha sa media conference sa kabiserang Pretoria.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina