NATUPAD ang matagal nang dream ni Direk Mark Reyes, na mapagsama-sama niya ang nagsiganap na Sang’gre sa unang Encantadia (2005) at ang mga Sang’gre na kasalukuyang sinusubaybayan sa telefantasya ng GMA7.
Hindi natapos ang friendship ni Direk Mark kina Iza Calzado na gumanap bilang Amihan at Karylle na gumanap namang Alena noon. Hindi nagkait ng panahon sina Iza at Karylle na dumalo sa dinner na itinawag ni Direk Mark at naging reunion ng mga Sang’gre.
Si Sunshine Dizon na dating gumanap bilang Pirena at si Diana Zubiri na gumanap naman bilang Danaya ay may bagong character ngayon sa Encantadia.
Masaya ang lahat nang personal nang magkakilala sina Iza at Kylie Padilla as Amihan. Sayang nga lang at hindi nakarating si Gabbi Garcia na may commitment sa Batangas, kaya hindi sila nagkakilala nang personal ni Karylle. Wala rin si Sunshine na may sakit. Si Diana, nakilala na nang personal si Sanya Lopez na gumaganap ngayon as Danaya. Hindi pa sila nagkakasama sa taping ng epic-serye.
Masaya si Direk Mark na sa wakas ay naibigay na niya ang mga ipinagawa niyang statuette ng apat na Sang’gre (nasa foreground ng picture).
Bukod sa anim na Sang’gre, dumalo rin ang iba pang members ng cast ng Encantadia tulad nina Rochelle Pangilinan, Carlo Gonzales at Rocco Nacino na hindi humihiwalay kay Sanya. (Nora Calderon)