Simula ngayong Sabado ay sisingilan na ng toll fee ang mga motorista sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminals 1 at 2 expressway matapos ang isang buwan libreng paggamit sa Macapagal at NAIA Road sa Parañaque City.
Sinabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na asahang mababawasan ng 60-75 porsiyento ang oras ng biyahe ng mga motoristang magtutungo sa Terminals 1 at 2 dahil sa 12-kilometrong tulay ng NAIA expressway, na binuksan noong nakaraang buwan.
Nabatid na magbabayad ng P35 na toll fee ang mga sasakyang class 1, P69 sa class 2, at P130 naman sa class 3.
Una nang ipinagmalaki ng DPWH na ang dating 30-40 minutong biyahe papunta sa dalawang airport terminal ay aabutin na lang ng lima hanggang 10 minuto ngayon dahil sa NAIA expressway Phase 2-A. Bella Gamotea