Suntok sa buwan ang paghamon ni Philippine flyweight champion Felipe Cagubcob Jr. sa kampeon ng OPBF na si Japanese knockout artist Daigo Higa sa Nobyembre 5 sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

May kartada si Higa na perpektong 10-0 lahat natapos sa TKO at nakalista bilang No. 3 sa WBC, No. 13 sa IBF at No. 13 sa WBO sa flyweight division.

Kabilang sa mga pinatulog ni Higa sina Pinoy Virden Rivera (TKO 2), Cris Alfante (KO 4), Renren Tesorio (TKO 10), Romel Oliveros (TKO 2) at ang inagawan niya ng OPBF title na si Ardin Diale (KO 4).

Natamo ng tubong Mindoro Oriental na si Cagubcob ang Philippine flyweight crown sa pagpapatulog sa 4th round sa dating kampeon at beteranong si Donny Mabao noong nakaraang Hulyo 13 sa MOA Arena, Pasay City.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Gayunman, sinasabi ng mga apisyonado sa boksing na malabong maagaw ni Cagubcob ang korona kay Higa sa kanyang kartadang 6-2-5. (Gilbert Espeña)