glaiza-copy-copy

HINDI natatapos ang mga pangarap ni Glaiza de Castro lalo na kung paano niya maipagpapatuloy ang paggamit sa kanyang talents upang maipamahagi ang mga biyayang kanyang tinatanggap.

Naniniwala si Glaiza na ang pamimigay sa kapwa ng blessings na kanyang tinatanggap ay hindi lang isang uri ng pasasalamat kundi isa ring tungkulin na kailangan niyang gampanan.

Nang pumasok ang kasalukuyang buwan, ang gumaganap na Pirena sa Encantadia ay nag-organize ng 10k marathon para sa pondong malilikom na ipinagkaloob niya sa SPED students sa Valenzuela City. Inimbitahan niya ang kanyang co-stars at iba pang mga kaibigan sa industriya na tumulong sa kanyang adhikain, pati na ang kanyang mga tagahanga na patuloy na nagbibigay ng suporta sa kanyang mga adbokasiya.  

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

Pagkatapos ng matagumpay na marathon, magsasawa uli siya ng isa pang charity event ngayong araw, Sabado, at sa pagkakataong ito ay para naman sa tulong na ipagkakaloob sa Philippine General Hospital Pediatric Cancer Ward. Ang charity showcase at fan meet ay magsisimula ng alas sais ng hapon sa UP Cine Adarna sa Magsaysay Ave., Diliman, Quezon City.

“Nakakatuwa na maraming gustong sumuporta sa mga ganitong pagtulong, kaya naman nakakagana ring ulit-ulitin. I am overwhelmed with all the blessings that continue to come my way, and I want to share it with the people who need it most,” sabi ng GMA Artist Center star.