Naitala ng Philippine Air Force ang makapigil-hiningang upset nang gapiin ang nangungunang FEU-Nicanor Reyes Medical Foundation, 84-82, sa MBL Open sa Aquinas gymnasium.

Naisalpak ni Rama Krishna Morales ang buzzer-beating three-pointer para tuldukan ng Air Force ang four-game winning streak ng Tamaraws.

Nasungkit ng Air Force ang 78-72 kalamangan matapos ang triple ni Paulino Rebollos may dalawang minuto sa laro, subalit naagaw ng FEU-NRMF ang trangko, 82-81 sa tulong ng isang 10-3 run, tampok ang three-pointer ni Fil-Canadian sensation Clay Crellin.

Dahil wala ng timeout, mabilis na ibinaba ng Air Force ang bola bago naipasok ni Morales ang kanyang three-pointer para sa panalo sa kumpetisyon na itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Star Bread, Dickies Underwear at Gerry’s Grill.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ito ang unang panalo sa dalawang laro ng Air Force, ginagabayan nina PAF Lt. Gen.Edgar Fallorina, Col. Elpidio Talja at LTC Nestor Etis at coaches Alvin Zuniga at Jimmy Andaya.

Iskor:

Philippine Air Force (84) -- Morales 24, Rebollos 21, Cordero 13, Diwa 9, Tano 7, Casulla 6, Almerol 2, Malig-on 2, Regalado 0, Pinto 0, Ollano 0.

FEU-NRMF (82) -- Crellin 26, Akhuetie 14, Cabrera 11, Banzali 7, Rodriguez 6, Gabayne 6, Asoro 5, Zamora 3, Manalo 2, Eriobli 2, Tan 0.

Quarterscores:

10-13, 41-45, 63-60, 84-82.