MEXICO CITY (AP) – Sinopla ng isang federal judge ang limang apela ng convicted drug lord na si Joaquin “El Chapo” Guzman upang makaiwas sa extradition sa United States, sinabi ng Mexican Attorney General’s Office noong Huwebes, ngunit maaari pa rin niya itong iapela.

Nakasaad sa pahayag ng opisina ng hukom na tinanggihan ang dalawa sa mga apela ni Guzman at ibinasura ang tatlong iba pa.

Sinabi ni National Security Commissioner Renato Sales nitong nakaraang linggo na maaaring ibalik si Guzman sa Enero o Pebrero sa United States, kung saan wanted siya sa drug trafficking at iba pang mga kaso.

Ang lider ng Sinaloa cartel ay dalawang beses nang nakatakas sa maximum-security prisons sa Mexico, ang huli ay noong 2015. Nahuli siya nitong Enero at kasalukuyang nakakulong sa estado ng Chihuahua sa hilaga ng hangganan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina