Nakatakdang bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan sa Oktubre 25 hanggang 27 sa imbitasyon ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

Sa pre-departure briefing na ginanap sa Malacañang kahapon, sinabi ni Atsushi Ueno, Deputy Chief of Mission at Minister for Political Affairs ng Japanese Embassy sa Manila, na habang nasa Japan ang Pangulo, magkakaroon siya ng pagkakataon na makadaupang-palad ang mga Pilipino roon, makakapulong ang mga negosyanteng Japanese at magtatalumpati sa harap ng business leaders.

Magdadaos din ng summit meeting sina Duterte at Abe.

Bibisitahin din ng Pangulo ang Japan Marine United Corporation sa Yokohama, kung saan ginagawa ang mga barkong ipagkakaloob sa Philippine Coast Guard.

Metro

Intramuros, mapupuno ng pagtatanghal buong taon—NCCA

Bago bumalik sa Pilipinas, magkakaroon ng State Call ang Pangulo kay Emperor Akihito sa Imperial Palace sa Oktubre 27. (Roy C. Mabasa)