ZAMBOANGA CITY – Nasa 10 hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang humarang sa isang Korean registry boat at binihag ang kapitan at tripulante nito.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom), dakong 2:45 ng hapon nitong Huwebes nang harangin ng mga bandido ang MV Dong Bang Giant 2 heavy loader carrier na patungong South Korea galing sa Australia.

Kinilala ni WestMinCom Spokesman Maj. Filemon Tan, Jr., ang mga biktimang sina Park Chul Hong, kapitan ng MV Dong Bang Giant 2; at tripulanteng si Glenn Alindajao ng Cebu City.

Ayon kay Tan, nasa 10 hinihinalang miyembro ng ASG na lulan sa speed boat ang humarang sa bangka sa Bongao, Tawi-Tawi.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Batay sa report sa WestMinCom, ang 10 suspek ay nasa ilalim ng pamumuno ng ASG sub-leader na si Idang Susukan sa Sulu. (NONOY E. LACSON)