LOS ANGELES (AP) — Isang panalo na lamang ang pagitan ng Chicago Cubs sa kasaysayan.

Ginapi ng Cubs ang Los Angeles Dodgers, 8-4, nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) para makalapit sa kanilang unang sabak sa World Series matapos ang 71 taon.

Tangan ng Cubs ang 3-2 bentahe sa National League Championship Series.

Kahanga-hanga si Chicago starter Jon Lester sa kanyang pitch sa ikapitong inning, habang naitala ni Addison Russell ang tiebreaking homer para sa Cubs, host sa Game 6 sa Sabado, gayundin sa Game 7 kung pahihintulutan ng pagkakataon.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!