May plano ang China na magtayo ng consulate office sa Davao, ang bayan ni Pangulong Duterte, sa harap ng pinag-ibayong ugnayan ngayon ng dalawang bansa.
Ang pinaplanong Chinese diplomatic post ay kabilang sa mga kasunduang nilagdaan sa pakikipagpulong ni Pangulong Duterte kay Chinese President Xi Jinping sa Beijing nitong Huwebes.
“The Philippines welcomes China’s proposal to open a Consulate-General of the People’s Republic of China in Davao in due course,” saad ng dalawang pinuno sa isang joint statement.
“Proper arrangements for the diplomatic premises in both countries will be made in the spirit of the 1975 Joint Communique, on the basis of international practice and reciprocity, with priority for the most immediate concerns,” dagdag nila. (Genalyn D. Kabiling)