brad-copy

PINALAMPAS ni Brad Pitt ang deadline para tumugon sa divorce petition ni Angelina Jolie, para maiwasang gumulong ang kaso na maaaring makasama sa kanilang mga anak, ayon sa mga ulat noong Biyernes.

Hindi magsusumite ng official reply ang 52-anyos na aktor, sa kabila ng dalawang araw nang paglampas sa deadline noong Miyerkules, hangga’t hindi nagkakaroon ng kasunduan ang kanilang mga abugado tungkol sa kustodiya ng mga anak nila, ibinalita ng Us Weekly at TMZ.

Nais ng Fight Club actor na magkaroon ng joint legal at physical custody, ayon sa TMZ, ngunit umaasa ito na maiwasan ang pakikipaglaban sa korte para sa kapakanan ng kanilang anim na anak.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nagsampa si Jolie, 41-anyos, ng mga dokumento noong Setyembre 19 na idinahilan ang irreconcible differences nila ni Brad para sa kanilang hiwalayan at humiling ng permenenteng kustodiya para sa anak nila.

Nitong unang bahagi ng linggo, nakita ni Pitt ang kanyang panganay na anak na si Maddox, 15-anyos, sa unang pagkakataon simula nang maganap umano ang insidente na sangkot ang mag-asawa at anim na anak mula sa kanilang bakasyon sa France noong Setyembre 14.

Inihayag ng FBI na patuloy pa rin itong kumakalap ng impormasyon bago sila magdesisyon kung magkakaroon sila ng pagsisiyasat tungkol sa mga alegasyon.

Hindi pa nagbibigay ng anumang detalye sa mga nangyari ang FBI, ngunit ibinalita ng ibang US media outlet na sangkot si Pitt sa pagkompronta sa isa sa mga bata.

Iniulat na bumisita si Pitt sa kanyang limang anak noong Oktubre 8, bagamat tumanggi si Maddox na harapin ang ama.

“With the resources of these parties, it should be possible for Brad to continue to have meaningful access to the younger children, even if it means that such access will have to be supervised,” saad ni Emily Pollock, partner sa New York law firm Kasowitz, sa AFP.

Pinangasiwaan ng therapist ang muling pagkikita ni Pitt at kanyang mga anak bilang bahagi ng pansamantalang custody agreement ng ex-couple.

Sa ilalim ng kasunduan, may physical custody si Jolie sa mga bata – 3 sa mga ito, kabilang si Maddox, ay inampon – sa isang nirentang bahay sa LA.

Kinasal ang A-listers – na tinaguriang Brangelina – sa France noong Agosto dalawang taon na ang nakalilipas, pero naging magkasintahan simula 2004.

Sinubukan ng AFP na humingi ng panayam sa management ni Pitt ngunit hindi pa tumutugon ang kampo ng aktor. (AFP)