dingdong-copy-copy

BIBISITA si Dingdong Dantes sa Cebu bukas para sa kauna-unahang regional show ng action-packed primetime series na Alyas Robin Hood.

Makakasama ni Dingdong ang isa sa kanyang mga leading lady sa serye na si Andrea Torres para sa isang mainit na Kapuso Mall Show sa Gaisano Grand Fiestamall sa Tabunok, Talisay, Cebu. Magsisimula ang nasabing mall show ganap na ika-4 ng hapon.

Tuluyan na ngang nabawi ng GMA ang korona bilang number one TV network sa buong bansa, ayon na rin sa pinagkakatiwalaang ratings service provider na Nielsen TV Audience Measurement, at isa sa mga highest-rating Kapuso program sa National Urban Philippines ang Alyas Robin Hood na kabilang din sa 10 top-rating shows sa Urban Luzon.

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

Ang Alyas Robin Hood, na naging hot topic bago pa man umere, ang comeback show ni Dingdong sa telebisyon.

Ginagampanan niya sa serye si Pepe de Jesus na napagbintangan sa krime na hindi niya ginawa. Sa kanyang paghahanap ng katototohanan ay marami siyang matutulungan. Bukod sa aksiyon, puno rin ng drama, adventure, at comedy ang serye na naglalayong magturo ng aral na bawat isa ay maaaring maging bayani at makatulong sa kapwa.

Bukod kay Andrea, leading lady rin ni Dingdong sa serye si 2013 Miss World Megan Young. Kasama rin sa powerhouse cast sina Ms. Jaclyn Jose, Ms. Cherie Gil, Sid Lucero, at may natatanging pagganap si Christopher de Leon. Kasama rin sa serye sina Paolo Contis, Gary Estrada, Dennis Padilla, John Feir, Gio Alvarez, Lindsay de Vera, Dave Bornea, Caprice Cayetano, Ces Quesada, at Rey “PJ” Abellana. Mula sa direksiyon ni Dominic Zapata, napapanuod ang Alyas Robin Hood gabi-gabi sa GMA Telebabad, pagkatapos ng Encantadia.