Nadakip ang isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na sinasabing sangkot sa Kidapawan bombing at may P600,000 na patong sa ulo, sa joint operation ng pulisya at militar sa Maluso, Basilan.

Ayon sa report ng Maluso Municipal Police, inaresto si Ibrahim Akbar, na gumagamit ng mga alyas na Ustadz Atti Lintogan, Ustadz Atti at Ustadz Namir, sa bisa ng warrant of arrest para sa mga kasong multiple murder with multiple frustrated murder.

Bukod sa Kidapawan bombing noong 2006, sangkot din umano si Akbar sa pagdukot sa paring Spanish na si Bernardo Blanco noong 1993. (Fer Taboy)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito