IMINUMUNGKAHI ng bagong pag-aaral na isinagawa sa University of Otago ng New Zealand na dapat maglakad pagkatapos kumain ang mga taong may type 2 diabetes para makamit ang pinakamagandang benepisyo ng pagpapababa ng blood sugar.

Ipinapayo ng mga mananaliksik na maglakad ng kahit 30 minuto kada araw. Wala silang sinabing partikular na oras.

Bagamat inihayag sa pag-aaral ng Otago na ang paglalakad pagkatapos kumain ay mas nakabubuti para mapababa ang level ng blood sugar kumpara sa paglalakad ng 30 minuto sa anumang oras kada araw.

Sinabihan ng mga researcher ang 41 pasyente na may type 2 diabetes na maglakad sa loob ng dalawang linggo. Naglalakad ang mga pasyente – na kinabitan ng accelerometers para sukatin ang kanilang pisikal na aktibidad at instrumento na ginagamit para sukatin ang kanilang blood sugar kada limang minuto – ng 30 minuto kada araw batay sa guidelines, o maglakad ng 10 minuto pagkakain.

National

ITCZ, easterlies, patuloy na nakaaapekto sa PH

Inihayag ng author na si Dr. Andrew Reynold na nadiskubre sa pag-aaral na bumaba ang post-meal blood sugar level ng 12 porsiyento sa karaniwan nang sundin ng mga kalahok ang paglalakad pagkakain kumpara sa paglalakad sa anumang oras kada araw.

“Most of this effect came from the highly significant 22 per cent reduction in blood sugar when walking after evening meals, which were the most carbohydrate heavy, and were followed by the most sedentary time,” ani Dr Reynolds.

Sinabi rin ng author na si Professor Jim Mann na ang glucose pagkatapos kumain ay mahalaga sa pagmamantini ng type 2 diabetes.

Sinulat nina Professor Mann at kanyang katuwang (Dr. Reynolds, Dr. Bernard Venn at Associate Professor Sheila Williams) sa pag-aaral na, “postprandial physical activity may avoid the need for an increased total insulin dose or additional mealtime insulin injections that might otherwise have been prescribed to lower glucose levels after eating. An increase in insulin dose might, in turn, be associated with weight gain in patients with type 2 diabetes, many of whom are already overweight or obese.”

Ang kanilang konklusyon: “The benefits relating to physical activity following meals suggest that current guidelines should be amended to specify post-meal activity, particularly when meals contain a substantial amount of carbohydrate.”

Inilathala ang kanilang natuklasan ngayong linggo sa prestihiyosong internal journal na Diabetologia.

(Medical Science News Today)