john-lloyd-copy-copy

KAHIT may ilang buwan nang tinuldukan ang kanilang relasyon, napanatili nina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban ang pagiging magkaibigan.

Ito ang binanggit sa amin ng taga-Star Magic na nakausap namin.

“They remained loveless and single hanggang ngayon pero tuloy pa rin naman ang kamustahan at kung minsan nga ay nagkikita ang dalawa,” sey ng source namin.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang tuluyang pagkalas ng Pilipinas sa ICC noong Marso 17, 2019

Matagal-tagal din naman ang naging relasyon nina John Lloyd at Angelica. Inakala pa nga ng lahat, lalo na ng mga taong malapit sa kanila, na mauuwi na sila sa kasalan. Pero nagkahiwalay nga ang dalawa.

Gayunpaman, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang fans nila.

“Hindi rin natin masasabi, baka ilang buwan lang mula ngayon ay nagkabalikan sina Lloydie at Angel. Tingnan n’yo, wala pa rin silang bagong karelasyon pareho, baka naman naghihintayan lang ang dalawa kung sino ang unang gagawa ng move,” napatawa pang banggit ng kausap namin.

Itsinika rin niya sa amin ang konting inside story sa picture na kuha kina John Lloyd at Angelica nang kumain sa isang resto sa Rockwell earlier this week. Sobrang seryoso raw ang pag-uusap ng dalawa habang kumakain, huh!

‘Kaya malaki pa rin ang posibilidad na magkabalikan ang dalawang ‘yan,” banggit pa ng source. (JIMI ESCALA)