kristoffer-at-joyce-copy

MAY bagong aabangang drama-serye sa Kapuso afternoon primetime, ang Hahamakin Ang Lahat na eere na sa October 31.

 

Tampok sa nasabing Dramarama sa Hapon ng Kapuso Network ang dating magsiyota in real life na sina Kristoffer King at Joyce Ching at makaka-love triangle nila si Thea Tolentino at kasama rin ang newcomer na si Bruno Gabriel na dyunakis ng dating artistang si Lani Lobangco.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Kaya uso ang drama nina Joyce at Kristoffer, dahil sila’y nagmahalan in real life... nag-break for three years -- if you care to know, at ngayon nagsamang muli sa isang project.

Sa set visit sa taping ng Hahamakin Ang Lahat kamakailan, tinanong namin si Joyce Ching kung nasaan na ang engagement ring nila noon ni Kristoffer. Ang nalilitong sagot niya, hindi na daw niya alam kung nasaan. Ganern?

 

Sayang at hindi namin naitanong kay Krisroffer kung ang singsing ay isinoli ba sa kanya ni Joyce. Basta ang sabi lang ng Kapuso young actor, very happy sila ni Joyce na muli silang magkatambal sa bagong serye -- na nalaman naming ang role ni Joyce ay mabubuntis ni Bruno pero si Kristoffer ang aako ng lahat.

 

“Kami naman ni Joyce, kahit break na, we remain friends pa rin,” the new hunk even added.

 

‘Eh, may saying na... lovers cannot be friends, devah?’ sundot ni Yours Truly.

 

“Hindi totoo ‘yon. Sa kaso namin ni Joyce, ha? Kasi ever since na nag-break kami as real lovers, never kaming nag-isnaban. Andu’n pa rin ‘yung respeto bilang friends. Nagkukumustahan paminsan-minsan. At ‘pag nagkikita kami, we say hi... hello. Ganu’n kami ni Joyce. At ngayon nga we are both happy na muli kaming magkasama dito sa Hahamakin Ang Lahat teledrama dito sa aming Kapuso home and studio,” masayang hirit ni Kristoffer.

 

Kung sabagay, case to case basis naman ‘yang lovers relationship, ‘noh. ‘Yung ilan nagiging friends... ‘yung karamihan, nasaktan... nagkalayo... naghanap ng iba.

 

Pero sa kaso nina Joyce Ching at Kristoffer Martin on-cam and even off-cam ay tipong.... nagkasakitan... nagkalayo... nagkasama uli... ke mereseng hahamakin ang lahat. ‘Yun na! (MERCY LEJARDE)