janella-at-elmo-copy

ANG muling pagtatambal kaya nina Elmo Magalona at Janella Salvador ang dahilan ng balitang break na ang aktor at si Janine Gutierrez?

 

Tsika sa amin ng taong malapit kina Elmo at Janine, matagal nang may isyu ang dalawa dahil bihira na silang magkita simula pa noong Born For You (BFY) days.

Human-Interest

Nakaya pa! 70-anyos na senior citizen, nakaakyat sa Mt. Apo

Inakala raw yata ni Janine na ngayong tapos na ang BFY ay magkakaroon na ng sapat na panahon ang boyfriend, pero wala pa rin dahil tuluy-tuloy ang taping ni Elmo para sa Wansapanataym nila ni Janella na may titulong “Holly at Mau” na umere na nitong nakaraang Linggo, kasama si Ria Atayde bilang kontrabida.

 

Bukod dito, nalaman din daw ni Janine na pagkatapos ng Wansapanataym ay may soap opera uling pagsasamahan ang ElNella.

 

Inakala rin namin na ibabalik ang love team nina Mario Mortel at Janella pagkatapos ng Born For You at Wansapanataym, hindi pala.

 

Teka, ayaw ba ni Janine na may trabaho ang boyfriend niya kaysa nakanganga ito? Ang dami-daming artistang walang trabaho sa ABS-CBN kaya masuwerte si Elmo na hindi siya nawawalan ng projects, ‘no!

 

Teka uli, baka naman nagkakadebelopan na sina Elmo at Janella kaya naman itong si Janine, e, may selos factor na.

(REGGEE BONOAN)