BARTELLA, Iraq (AP) – Sa pagtindi ng laban para bawiin ang Mosul, sumabak ang elite Iraqi special forces sa bakbakan nitong Huwebes ng madaling araw at nilusob ang bayan sa silangan na hawak ng Islamic State. Inanunsyo naman ng U.S. military ang unang sundalong Amerikano na namatay simula nang ilunsad ang operasyon.

Ayon sa mga opisyal ng U.S., namatay ang sundalong Amerikano sa pagsabog ng isang bomba sa daan sa hilaga ng Mosul nitong Huwebes. Mahigit 100 U.S. special operations forces ang kasama ng Iraqi units sa opensiba, at daan-daan pa ang nagbibigay ng suporta sa mga base.

Ang U.S.-trained special forces, tinatawag na Counter Terrorism Service, ay itinuturing na Iraq’s most professional at least sectarian fighters, at nagsilbing shock troops sa mga nakalipas na kampanya laban sa IS. Inaasahang pamumunuan nila ang pagpasok sa Mosul.

Suportado ng attack helicopters, nilusob ng puwersa ang bayan ng Bartella, 15 kilometro mula sa labas ng Mosul.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Nahaharap sila sa paboritong armas ng IS sa digmaan: armored trucks na puno ng pampasabog na minamaneho ng suicide bombers.