LUMIHAM ang mga law student mula sa isang lokal na paaralan para hilingin sa pamahalaan ng Cagayan de Oro City na ipatupad ang waste management at segregation policy, ayon sa isang city councilor noong Miyerkules.

Ayon kay City Councilor Lordan G. Suan, binasa niya ang liham ng mga estudyante ng Liceo University College of Law sa isang special report noong regular session ng city council dito sa Cagayan de Oro.

Hinahamon ng mga law student ang city government na maigting na ipatupad ang management at segregation ng mga basura sa lungsod at suriin kung epektibo ang mga polisiya na kasalukuyang ipinatutupad.

Sinabi ni Suan na sa mabilis na industriyalisasyon at pag-unlad ng Cagayan de Oro sa mga nagdaang taon, kinakailangan na ng proper sanitation, partikular na ang tamang pagtapon ng basura.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Aniya, hindi lang malusog na pangangatawan at proper sanitation ang kailangan ng mga tao, kundi protektahan din ang Konstitusyon.

Binanggit ni Suan ang Article 2 Section 16 ng 1987 constitution, na nagsasabing “The state shall protect and advance the right of the people to a balance and healthful ecology in accord with the rhythm and harmony of nature.”

Ayon kay Suan, binibigyang-kahulugan ng Republic Act 9003 o Solid Waste Management Act ang ecological solid waste management bilang systematic administration of activities na nagbibigay ng maayos na pamantayan, ibig sabihin, sa village level, ang segregated transportation, storage, transfer, processing, treatment at disposal of waste at lahat ng iba pang waste management activity na hindi nakasasama sa kapaligiran.

Hinimok ni Suan ang mga kinauukulan na mahigpit na ipatupad ang kasalukuyang Ordinance No. 8975-2003, na ipinag-uutos ang mandatory segregation ng mga basura at pagpataw ng mga parusa para sa mga lalabag dito.

Ipinaliwanag niya na kahit naka-segregate ang mga basura, wala pa ring saysay ito kung itatapon lang din ito sa dump site.

Sinabi rin ni Suan na nakatakdang mag-usap-usap ang city council tungkol sa liham ng mga Law student kaugnay sa waste management at segregation policy. (PNA)