Oktubre 21, 1959 nang magbukas ang Guggenheim Museum – binubuo ng ilang internationally-renowned collections ng contemporary art – sa New York City, at aabot sa libu-libong bisita ang pumila sa labas noong araw na iyon.
Sa loob ng 50,000-meter museum, makikita ng mga tao ang isang mahabang spiral ramp sa paligid ng isang central rotunda, at masisilayan ang isang babasaging kisame.
Sinimulan ni Solomon Guggenheim, isang mining luminary, ang kanyang peculiar art collection matapos niyang magretiro noong 1930s. Taong 1939, tinulungan siya ng German artist na si Hilla Rebay sa pagkakabit ng mga koleksiyon sa dating auto showroom. Makalipas ang apat na taon, kinomisyon ni Reba yang arkitektong si Frank Lloyd Wright upang disenyohan ang lugar kung saan makikita ng mga tao ang art sa panibagong perspektibo.
Nagsilbing inspirasyon ni Wright ang kapaligiran sa kanyang disenyo.