Pinangatawanan ng Centro Escolar University ang pagiging pre-tournament favorite matapos ilampaso ang Technological Institute of the Philippines, 81-65,at maangkin ang solong pamumuno sa 1st Universities and Colleges Basketball League (UCBL)sa Olivarez Sports Center sa Paranaque City.

Kontra sa koponang itinuturing na pinakamabigat nilang makakatunggali para sa titulo, hindi natinag ang Scorpions sa matinding hamon ng kalaban.

Hataw si Rod Ebondo ng 20 puntos at 20 rebound para pamunuan ang CEU sa ikatlong sunod na panalo para sa solong liderato.

Natamo ng Tip ang unang kabiguan sa apat na laro.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Mula sa tatlong puntos na kalamangan sa first quarter, 20-17, rumatsada ang Scorpions sa second period upang iposte ang 46-32 kalamangan sa halftime na hindi na nila binitawan hanggang matapos ang laban. (Marivic Awitan)