OMAHA, Nebraska (AP) — Ratsada si Dwight Howard sa nakubrang 16 puntos at 15 rebound para sandigan ang Atlanta sa impresibong preseason match kontra Chicago, 97-81, nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) sa CenturyLink Center Omaha.

Sumabak ang mga star player ng magkabilang koponan sa kabuuan ng laro, ngunit nakaungos ang Hawks sa final period tungo sa 5-2 karta.

Nag-ambag si Kyle Korver ng 16 puntos sa Atlanta.

Nanguna si Jimmy Butler sa Chicago sa natipang 16 puntos, habang umiskor sina Doug McDermott ng 16 puntos at Dwyane Wade na may walong puntos.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

MAGIC 114, PELICANS 111 OT

Sa New Orleans, nabalewala ang matikas na 33 puntos at 13 rebound ni Anthony Davis sa pagbabalik laro sa Pelicans nang magapi ng Orlando Magic sa overtime.

Na-sideline si Davis nang magtamo ng injury noong Oct. 12 sa preseason game kontra Houston sa China.

Kumabig din si Terrence Jones ng 20 puntos para sa Pelicans.

Nanguna sa Magic si Evan Fournier na may 22 puntos.

KNICKS 116, NETS 111

Sa New York, naungusan ng Knicks ang Brooklyn Nets para tapusin ang preseason sa impresbiong two-game winning streak.

Dikit ang laban sa unang tatlong period bago umarya ang Knicks sa pangunguna ni Carmelo Anthony na umiskor ng team-high 21 puntos.

HORNETS 96, HEAT 88

Sa Charlotte, nalusutan ng Hornets ang Miami Heat sa Time Warner Cable Arena.

Nanguna sa Hornets sina Kemba Walker at Nic Batum na tumipa ng double digit.

Nanguna sa Heat sa undrafted guard Rodney McGruber na may 19 puntos.