jc-copy

MARAMI kaming beki friends na relate na relate sa itinatakbong kuwento ng character ni JC Santos sa Till I Met You, lalo na sa napanood sa episode last Tuesday na hindi na napigilan ni Ali (JC) ang tunay na nararamdaman nang mabisto ng kanyang amang si Gen. Gregorio “Greggy” Nicolas (Robert Sena) ang tunay niyang pagkatao.

Siguradong ganito rin ang dating ng serye sa iba pang beki, lalo na iyong hindi pa “out” o inililihim pa sa mga magulang ang kanilang tunay na kasarian.

Bumuhos ang matinding emosyon ni Ali nang aminin niya sa kanyang ama na siya ay bakla. Dahil sa galit at pagkadismaya, pinalayas siya nito at sinabihang hindi siya nito matatanggap.

Human-Interest

68-anyos na senior citizen sa Lapu-Lapu City sumakses; tuli na, may ₱20k pa!

 

Agad namang sumaklolo ang mga kaibigan niyang sina Iris (Nadine Lustre) at Basti (James Reid) at dinamayan siyang harapin ang kanyang pinagdaraanan.

 

Samantala, inamin na rin ni Basti ang kanyang intensiyon na muling ligawan si Iris. Sa kabila ng mabigat na problema ng kanilang kaibigan, gumagaan naman ang kapalaran ni Basti na nagkaroon na ng pagkakataong makilala ang pamilya ni Iris, pati na rin ang ina nitong si Cassandra (Carmina Villarroel).

 

Upang maipakita na malinis ang kanyang hangarin, inamin ni Basti kay Lolo Soc (Noel Trinidad) na nais niyang muling ligawan si Iris at maibalik ang kanilang pag-iibigan.

 

Ano nga ba ang gagawin ni Ali upang matanggap siya ng kanyang ama? Tuluy-tuloy naman kayang umayon ang kapalaran kina Iris at Basti?

 

Huwag magpahuli sa kuwento ng Till I Met You. (REGGEE BONOAN)