PATULOY ang pagpapalawak ng ABS-CBN subsidiary na Creative Programs, Inc. ng kanilang cable channels sa paglulunsad ng TAG, isang channel na magpapalabas ng iba’t ibang international films na naka-dub sa Filipino upang mailapit ang mga Pilipino sa foreign cinema.

 

Nagsimula nitong nakaraang Miyerkules ang pagtatampok ng mga banyagang pelikula sa TAG na mapapanood sa SKYcable (Channel 77). Mapapanood ang koleksyon ng Asian at Hollywood movies tulad ng rom-coms, critically-acclaimed dramas, action, thrillers at horror, comedies, iconic Asian classics, box-office Asian movies, at ang pinakabagong Hollywood at Asian movies.

 

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Ang ilan sa mga pelikulang mapapanood sa TAG ay ang romantic drama na Blue Valentine na pinagbibidahan nina Ryan Gosling at Michelle Williams, ang political action-thriller na Zero Dark Thirty tungkol sa manhunt kay Osama bin Laden, ang star-studded Hollywood thriller na Now You See Me, ang comedy drama film na I Love You Phillip Morris starring Jim Carrey at Ewan McGregor, at maraming iba pa.

 

Para sa nalalapit na Halloween season, itatampok naman ang nakakakilabot na sine sa TAG katulad ng Sadako, Shutter, Woman in Black, After Life, at Resident Evil 3.

 

Mapapanood din ang Asian films tulad ng Hong Kong-Chinese action film na Chinese Zodiac, ang Hong Kong martial arts film na Dragon Fist, ang Korean disaster film na Flu, at ang Thai comedy horror na Pee Mak.

 

Layunin ng TAG na maging accessible sa mga Pilipinong manonood ang foreign films sa pamamagitan nang pag-dub nito sa pambansang wika. Naniniwala rin ang TAG na kapag naipalabas sa Pilipino ang foreign cinema, mabibigyan sila ng bagong perspective at mas mabibigyan ng mayamang cinematic experience.

 

Ang iba pang homegrown ABS-CBN cable channels na naging bahagi na ng viewing habit ng bawat Pilipino ay ang Cinema One, Myx, Lifestyle, Jeepney TV, at Hero. (ADOR SALUTA)