Limang kabataan ang nakatakas sa district jail sa Barangay Amas, Kidapawan City, North Cotabato, nitong Miyerkules ng gabi.

Dakong 7:45 ng gabi nang pumuga ang mga suspek na kabilang sa children in conflict with the law (CICL) mula sa North Cotabato District Jail (NCDJ).

Kinumpirma ni Supt. Peter Bungat, jail warden ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-North Cotabato, ang pagtakas ng limang kabataang nakapiit sa “prisons without wall” sa annex area ng NCDJ.

Maliit lang umano ang mga bakal sa nasabing piitan kaya naging madali para sa mga suspek na sirain ang grill dito, ayon kay Bungat.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Patuloy na tinutugis ang mga pumuga, na pinaniniwalang nagtatago sa Cotabato City.

Sinabi ni Bungat na noong Agosto 25, 2016 ay tatlong bilanggo ang tumakas mula sa Cotabato District Jail, at kabilang sa mga pumuga ang isang alyas Derby, na suspek sa pagpatay kay Kabacan Cotabato Vice Mayor Policarpio Dulay, at sangkot din sa pambobomba sa Kabacan. (Fer Taboy)