Tatangkain ng season host University of Santo Tomas na makaiwas sa pagkabokya sa event title sa pagbubukas ngayon ng UAAP Season 79 taekwondo tournament sa Blue Eagle gym.
Sisimulan ang apat na araw na kompetisyon sa gaganaping poomsae championship, kung saan ang Growling Tigers, na kakatawanin nina veteran internationalists Jocelyn Ninobla at Rodolfo Reyes Jr., ay naghahangad ng kanilang ikatlong titulo sa loob ng apat na taon.
Magsisimula naman ang sparring at event elimination sa men’s at women’s divisions.
Target ng UST ang ika-14 na men’s championship kung saan inaasahan ang matinding hamon mula sa last season’s runner-up University of the East, National University at La Salle sa pangunguna ni reigning MVP Joaquin Mendoza.
Sa kababaihan, magtatangka naman ang UE Lady Warriors ng back-to-back title kung saan inaasahang magiging mahigpit nilang karibal ang Tigresses at Lady Archers.
Sa juniors division, hangad naman ng UE na makamit ang ika-4 na sunod nilang titulo. (Marivic Awitan0