Hinikayat ng House Committee on Health ang Department of Health (DoH) na isama sa agenda nito ang universal health care.

Binigyang-diin ni Rep. Harry L. Roque Jr. (Party-list, KABAYAN), na ipinangako ni Pangulong Duterte ang universal health care sa mga tao kaya marapat lamang na bigyang-prayoridad ito ng DoH.

Nang iprisinta ni Health Secretary Paulyn Jean B. Rosell-Ubial ang mga proyekto, programa at legislative priorities ng DOH sa komite na pinamumunuan ni Rep. Angelina Tan, M.D. (4th District, Quezon), sinabi sa kanya ni Roque na may sapat na pondo para sa universal health care mula sa budget ng DoH, sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji