kris-copy-copy

MALABO na ngang matuloy ang programa ni Kris Aquino sa GMA-7 na sinasabing pre-programming ng Eat Bulaga dahil mapapanood na sa Oktubre 24 (Lunes) ang TROPS na kinabibilangan nina Benjie Paras, Ina Raymundo, Irma Adlawan kasama ang Baes group na sina Kenneth Medrano, Kim Last, Tommy Penaflor, Jon Timmons, Miggy Tolentino, Joel Palencia at Taki mula sa direksiyon ni Linnet Zurbano produced ng TAPE, Inc.

Nagkatanungan ang entertainment writers na dumalo sa launching ng TROPS kung bakit biglaan itong ipinasok.

Hinagilap namin ang program manager ng TROPS na si Ms. Camille Gomba-Montano at tinanong kung ano ang nangyari sa programa ni Kris.

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

“Naku, ‘wag ako ang tanungin mo d’yan, wala akong alam, hindi ako ang tamang taong pagtatanungan mo,” tumatawang sagot niya sa amin.

Hinanap namin sa kanya ang APT Entertainment big boss na si Mr. Tony Tuviera.

“Wala sila, out of the country,” sabi ni Ms Camille.

Oo nga pala, dinala ni Mr. T ang ilang staff ng APT Entertainment sa Japan para makapamasyal. E, bakit naiwan si Ms. Camille?

“Walang tatao sa tindahan, heto, may presscon kami,” sabi sa amin.

Hiniritan ulit namin ng, ‘Wala naman sa plano itong TROPS, di ba? Hindi na kasi tuloy si Kris? Di ba, pumirma na siya sa APT Entertainment?’

“Ay, hindi ko po alam, pumirma na ba? Wala kasi akong alam, hindi ako nakikialam sa kanila (Mr. Tuviera at Kris).

“Saka itong TROPS, matagal na itong naka-line-up, kaya wala akong alam sa sinasabi mong show ni Kris,” katwiran ng APT Entertainment executive.

Mukhang ang TROPS ang ipangtatapat sa Hashtags ng It’s Showtime dahil pawang may mga itsura ang boys at magagaling ding sumayaw, at sa totoo lang, puwede talagang mag-showdown ang dalawang grupo.

Kung mabibigyan ng chance ang TROPS boys, puwede silang sumikat dahil pawang may talent, kaya nagpapasalamat sila sa Eat Bulaga na naka-discover sa kanila.

Tatalakayin sa TROPS ang bawat buhay ng character na gagampanan ng Baes kasama ang pretty nilang leading lady na si Taki at kabilang sila sa millenial generation. Para sa kabataan, mapapanood ang mga temang peer pressure, friendship, rivalry, generation gap, at iba pa sa bagong show.

Sa millennial babies, heto na ang TROPS na babagay sa inyo. (REGGEE BONOAN)