Hiniling ni Senator Francis Pangilinan na bumuo ng isang inter-agency task force para labanan ang pagmamanipula ng ilang negosyante sa presyo ng bigas at palay, na matagal nang inaangal ng mga magsasaka.

“I see this as a matter where we need to intervene. Dapat mayroong matatakbuhan ang ating mga farmers. Maybe we can put together an inter-agency task force to look into this, consisting of the National Food Authority, the National Bureau of Investigation, and the Department of Agriculture,” ani Panglinan.

Sa nakalipas na pagdinig ng Senado, inihayag ni Agriculture Secretary Manny Piñol na binabarat ng rice traders ang mga magsasaka, at kung minsan ay pinagbabantaan pang hindi bibilhin ang produktong palay ng mga ito kapag hindi sumunod sa ibinibigay nilang presyo. (Leonel M. Abasola)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'