Hinimok ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag ituloy ang planong konstruksyon ng P50 bilyong mega prison project sa Laur, Nueva Ecija.

Ayon kay Military Ordinariate Bishop Leopoldo Tumulak, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, pagsasayang lamang pera ng bayan ang naturang plano at iginiit na marami pang mas praktikal na solusyon para maibsan ang pagsisiksikan ng mga preso New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

Iminungkahi ni Tumulak na sa halip na magtayo ng napakalaking kulungan, ay ilipat sa ibang penal establishment ang ilang bilanggo ng NBP. (Mary Ann Santiago)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'