Itatapat ang isang Malacanang boy, habang unti-unti nang lumilitaw ang mga posibleng hahamon para sa lideratura sa Philippine Olympic Committee sa gaganaping eleksiyon sa Nobyembre 25.

Ito ang napag-alaman sa isang opisyal na tumangging pangalanan matapos ihayag na nakikipag-usap ang dalawang mataas na opisyales sa itinutulak na kandidato upang labanan sa pagpangulo ng pribadong organisasyon ang nagsilbi na sa tatlong sunod na termino ngunit walang nagawa sa sports na si POC chief Jose “Peping” Cojuangco.

Ang kandidato ay hiwalay naman sa unang ninanais na humamon kay Cojuangco na si businessman at sports patron Manny V. Pangilinan.

“He is not former vice-president Jejomar Binay,” sabi ng source. “We know that the former vice-president has been a long-time confidante, a close friend and ally of the Cojuangco’s,” sabi pa nito.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Kasalukuyang lider ng Philippine Badminton Association (PBA) si Binay at kuwalipikado sa itinakdang criteria matapos na magsilbi ng kumpletong apat na taon.

Una nang sinabi ni Pangilinan na wala itong balak tumakbo sa pinakamataas na puwesto sa POC.

Lumutang naman ang mga pangalan nina Ricky Vargas na pangulo ng boxing, Tom Carrasco ng triathlon, Tagaytay Congressman Abraham Tolentino, Mariano Araneta ng football at ang Ormoc City Mayor at fencing president na si Richard Gomez.