BEIJING (Reuters) – Maaaring bigyan ng conditional access ng China ang mga mangingisdang Pinoy sa mga pinagtatalunang bahagi ng South China Sea matapos magpulong sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping sa Beijing, sinabi ng dalawang Chinese sources na may koneksyon sa liderato.

Inagaw ng China ang Scarborough Shoal noong 2012, at pinagbawalang mangisda roon ang mga Pinoy. Nagtulak ito sa Pilipinas na idulog ang usapin sa Permanent Court of Arbitration sa Hague, na noong Hulyo ay nagpasyang ang lugar ay tunay na pag-aari ng Pilipinas. Ngunit hindi tinanggap ng China ang hatol.

Pinag-iisipan ngayon ng Beijing ng makabuo ng paborableng kasunduan kay Duterte.

“Everybody can go, but there will be conditions,” sabi ng isang Chinese sources na regular na nakakausap ang matataas na opisyal ng China. Ang tinutukoy niya ay ang mga mangingisdang Chinese at Pilipino.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Nang tanungin kung ano ang mga kondisyong ito, sinabi ng source na: “The two countries would have to form working groups to iron out details.”

Tumanggi munang magkomento rito ang Department of Foreign Affairs.