ISULAN, Sultan Kudarat – Nakaisip ng kakaibang paraan ang isang alkalde sa Maguindanao upang hikayatin ang mga sangkot sa droga sa kanyang nasasakupan na piliing sumuko sa awtoridad at magbagong-buhay.

Ayon sa isang ayaw pangalanang kagawad ng Barangay Tunggol sa General SK Pendatun, personal umanong nakikipagpulong si Mayor Datu Phong Pendatun sa kanyang mga kabarangay upang hikayatin ang mga sangkot sa droga na sumuko at mangakong hindi na babalikan ang nasabing gawain.

Sa pulong nitong Oktubre 16 na dinaluhan ng mga residente sa nasabing barangay, nag-alok si Pendatun ng lupang pagyayamanin na pag-aari ng kanyang pamilya sa sinumang susuko.

Sa panayam sa kanya, sinabi ng alkalde na ito ang sarili niyang paraan upang masugpo ang droga sa kanyang nasasakupan.

Probinsya

Kumpareng lasing na aksidenteng 'tinuhog' si kumare, nasakote

Gayunman, sinabi niyang bukas ang kanyang tanggapan sa iba pang tulong na maiaalok ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno para sa mga sangkot sa droga. (Leo P. Diaz)