Bayolente at mapaminsala ang super typhoon ‘Lawin’ na sinasabing babayo ngayon sa mga lalawigan ng Cagayan at Isabela, mga lugar na inilagay sa signal No. 5.

Kahapon ng hapon, idineklarang super typhoon si ‘Lawin‘ matapos magtala ng bilis ng hangin na 225 kilometer per hour.

Isinailalim na sa forced evacuation ang mga residente sa mga apektadong lugar, matapos asahan na kagabi hanggang kaninang madaling araw magla-landfall ang bagyong ‘Lawin‘, ngunit tinatayang lalabas din ito sa Philippine area of responsibility bukas, araw ng Biyernes.

Ang signal No. 5, pinakamalakas na babala, ay ipinalabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) matapos ang bagyong ‘Yolanda‘, kung saan nakita ang pangangailangan sa mas puspusang paghahanda sa super typhoon.

National

32 katao naitalang naputukan; FWRI cases sa bansa, pumalo na sa 101!

MANGHAHAMBALOS KAHIT SAAN

Samantala dahil sa laki ng sakop ng bagyo na umaabot sa 700 kilometro ang diameter nito, hindi lang Cagayan at Isabela ang posibleng bayuhin ng bagyo.

“Iyung bagyong ito, talagang super strong siya. Kahit saan tatama iyun, talagang destructive siya,” ayon kay Rene Paciente, assistant weather services chief ng PAGASA.

Sinabi ni Paciente na huwag nang isipin kung saan magla-landfall si ‘Lawin‘ dahil kakahit saan ay manghahambalos ito dahil sa laki ng diameter ng bagyo.

MALAKI ANG DAMAGE

“Pag sinasabing signal number 5, talagang widespread na (ang) magiging damage nito. ‘Yung signal number 4 nga, maraming bahay ang masisira.”

Ito naman ang pahayag ni PAGASA weather forecaster Jori Loiz.

STORM SURGE

Kahapon pa lamang ng umaga, ibinabala na ang storm surge o daluyong na aabot hanggang 5 metro. Sinabi ni Loiz na sa storm surge, pwedeng umabot sa lampas bubong ang alon.

Apektado nito ang mga lalawigan ng Cagayan, Calayan Islands, Isabela, Northern Aurora, at Ilocos Norte.