BEIJING, China — Hindi lubusang maayos ang territorial dispute ng Pilipinas at China “in our lifetime” ngunit hindi ito dapat na maging hadlang upang muling buhayin ang magandang relasyon ng magkatabing bansa sa Asia, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr. noong Miyerkules.

Sa pagsisimula ng apat na araw na state visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China, nagpahayag ng kumpiyansa si Yasay sa pagpapalakas ng diplomatic at economic relations, partikular na sa larangan ng kalakalan, pamumuhunan, at imprastraktura ng dalawang bansa.

Nakipagpulong si Pangulong Duterte kay Chinese President Xi Jinping at iba pang mga lider nitong Huwebes upang makabuo ng alyansa sa China sa kabila ng umiiral na iringan sa karagatan.

“I do not have any pretensions or false hopes that our disputes might take many years perhaps not in our lifetime to fully resolved but this should not be an impediment or barrier in fostering our closer ties with each other,” sabi ni Yasay sa tanghalian na inihanda ng mga negosyanteng Chinese para sa delegasyon ng Pilipinas sa Beijing Hotel dito.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Kahit na mainit ang isyu ng agawan ng teritoryo, idiniin ni Yasay na ang relasyon ng dalawang bansa ay “not limited” sa gusot sa West Philippine Sea/South China Sea.

“But I’m happy that the time has come when we are able to renew our ties, that is strongly founded in history and culture between the Philippines and China,” dagdag ng DFA chief.