Oktubre 20, 1968 nang lundagin ng 21-taong gulang na si Dick Fosbury, mula Oregon, ang halos 7 talampakan at 3.25 pulgada sa Mexico City Olympic Games, dahilan upang masungkit niya ang gintong medalya at nagtala ng bagong Olympic record.
Unang beses ding nasilayan ng mundo ang kanyang istilo sa pagtalon na tinawag na “Fosbury Flop”.
Sa pagkapanalo ni Fosbury, natanggap ng United States ang kanilang ika-15 gintong medalya sa track and field.
Sinubukan ni Fosbury, na umamin na “quite a few kids” ang tatangkilik sa “Fosbury Flop”, na higitan ang record ni Valery Brumel ngunit siya’y nabigo.