LAS VEGAS (Reuters/AFP) – Sinabi noong Miyerkules ng Republican candidate na si Donald Trump na posibleng hindi niya tanggapin ang resulta ng U.S. presidential election sa Nobyembre 8 kapag natalo siya sa Democratic candidate na si Hillary Clinton, na hindi pa nangyari sa kasaysayan ng Amerika.

Tinanong si Trump ng moderator na si Chris Wallace kung ito ay nangangahulugan na hindi niya maipapangako ang mapayapang pagsasalin ng kapangyarihan.

“What I'm saying is that I will tell you at the time. I'll keep you in suspense. Ok?” sagot ni Trump.

Nagimbal si Clinton sa sagot ni Trump. “That is not the way our democracy works. We've been around for 240 years.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

We've accepted the outcomes when we may not have liked them,” aniya.

Nagharap sina Trump, 70, at Clinton, 68, sa ikatlo at huling presidential debate sa Las Vegas, 20 araw bago ang Election Day.

Tinawag ng New York businessman ang dating secretary of state na “such a nasty woman” at inakusahan ang Team Clinton ng pagpapalala sa mga akusasyon ng kababaihan na umano’y kanyang pinagsamantalahan.

Tinawag naman ni Clinton ang karibal na “most dangerous person to run for president in the modern history of America” gaya ng unang sinabi ni Bernie Sanders.