Samantala meron ding inilabas na color-coded advisories ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) para masukat ang dami at lakas ng ulan.
Para sa ‘yellow rainfall’ advisory, inaasahang bubuhos ang ulan ng 7.5 hanggang 15mm sa loob ng isang oras at magpapatuloy sa susunod na dalawang oras. May tsansa ang pagbaha sa ilang lugar partikular sa mga mababang lugar.
Sa ‘orange rainfall’ advisory, ang ulan ay may taglay na 15-30mm sa loob ng isa at magpapatuloy sa susunod na dalawang oras. Dahil dito, nagbabadya ang pagbaha at dapat maging handa sa posibleng paglikas.
Samantala sa ‘red rainfall’ advisory, inaasahang may higit 30mm ang bugso ng ulan sa loob ng isang oras na magpapatuloy sa susunod na dalawang oras. Asahan na may malubhang pagbaha sa mga mababang lugar sa advisory na ito.
Inaasahan ang mga mamamayan na lumikas kapag patuloy na nasa red rainfall advisory ang pag-ulan sa susunod pang tatlong oras.