Muling magiging sentro ng sports ang malaparaisong Puerto Princesa City sa Palawan sa gaganaping Asian Dragonboat Championships sa Nobyembre 11-13.

Ayon kay national coach Len Escollante, ang kompetisyon na may dalawang kategorya -- Asian Championships for national teams at International Club Crew Championships – ang kauna-unahang international sports sa dragonboat na ilalarga sa lalawigan.

Ayon kay Escollante, ang mga events na gaganapin sa unang araw na pawang may distansiyang 500 metro ay ang men’s at women’s 20 seaters, men’s 10 seaters at mixed juniors (15-19 taon)10 seaters.

Sa ikalawang araw,para sa pagtatapos ng national teams competition, ang mga paglalabanang events na lahat ay may distansiyang 200 metro at gaganapin sa umaga ay ang men’s crew 20 at 10 seaters, women’s crew 10 seaters at mixed juniors crew 10 seater.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sa dakong hapon, sisimulan naman ang labanan sa International Club Crew sa mga events na men’s crew 20 seaters, mixed crew 20 seaters, women’s crew 10 seaters at mixed masters crew (40 taong gulang pataas) 10 seaters.

At sa huling araw kompetisyon, ang mga nakahanay na events ay ang men’s crewcrews 20 seaters, mixed crew 20 seaters, men’s at women’s crew 10 seaters at mixed masters crew 10 meters.

Samantala, bago matapos ang buwan ayon kay Escollante ay ihahayag ng host Philippine Dragonboat Federation.ang bilang ng mga kumpirmading kalahok at kung saan g mga bansa sila nagbuhat. (Marivic Awitan)