Sa kabila ng pagkawala ni Rio Olympics veteran Ian Larriba, nakumpleto ng De La Salle women’s squad ang 14- game sweep ng elimination upang diretsong umusad sa championship round habang naipanalo ng kanilang men’s squad ang dalawang sunod na do-or-die match sa UAAP Season 79 table tennis tournament sa Blue Eagle Gym.

Sa pamumuno ni Donna Gamilla, ginapi ng Lady Archers ang Far Eastern University, 3-2, sa pagtatapos ng elimination upang makapasok sa best-of-three Finals.

Kinailangan naman ng Green Archers, dumaan sa dalawang sunod na playoffs upang panatilihing buhay ang pag- asa para sa target nilang ika-4 na titulo.

Unang tinalo ng De La Salle ang FEU, 3-1,bago ang University of the Philippines, sa dalawamg playoff para sa huling semifinals berth upang maipuwersa ang unang step-ladder duel kontra No. 3 seed University of the East.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ang UST Growling Tigers ang dumuplika ng ginawa ng Lady Archers sa men’s division sa pag-angkin nito ng outright final berth sa bisa ng 14-0 pagtatatapos sa eliminations.

Huling tinalo ng UST ang National University, 3-1,para angkinin ang unang spot sa championship round.

Sa kabila ng kabiguan, nakuha ng Bulldogs ang bentaheng twice-to-beat sa pagtatapos na No.2 sa elimination hawak ang 10-4 baraha.

Tinalo ng Lady Tamaraws ang Tigresses, 3-1, para makamit ang twice-to-beat bonus sa second step-ladder semis match.

(Marivic Awitan)