alden-maine-prenup-4-copy

SUMABOG ang Twitter nationwide and worldwide last Tuesday afternoon nang mapanood sa kalyeserye ng Eat Bulaga -- pagkatapos ng pamamanhikan ni Alden (Alden Richards) kay Yaya Dub (Maine Mendoza) noong Sabado, paghahanda ng kasal noong Lunes – na magkasama si Lola Nidora (Wally Bayola) at ang celebrity stylist na si Liz Uy.

Doon pa lamang, ‘kagulo na ang AlDub Nation at ang tanungan nila online, totohanan na ba iyong pagpapakasal nina Alden at Maine at hindi na ito sa kalyeserye lamang?

Bale ba, may lumabas na ring Richard Faulkerson Jr. & Nicomaine Dei Mendoza wedding invitation.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Lalo pang nagkagulo ang AlDub Nation last Tuesday nga, nang dumating si Alden sa Broadway studio na kasama si Fr. Jeffrey Quintela.

Si Fr. Quintela rin ang nagkasal kina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna last January 30. Doon binigyan ni Fr. Jeff sina Alden at Maine ng ilang kaalaman sa paghahanda sa pagpapakasal.

Nagkatawanan ang audience nang tanungin ni Fr. Jeff ang AlDub kung sigurado ba ang dalawa na hindi pa sila talaga nagpapakasal. Sigurado raw sila. Pagkatapos ay pinaghawak ng kamay ni Fr. Jeff sina Alden at Maine at nagdasal siya ng guidance para sa dalawa sa nalalapit nilang pagpapakasal.

Pero mas lalo pang lumakas ang tilian ng audience nang tumawag na ang Manny & April photography na isi-send na raw kina Alden at Maine ang prenup pictures na kinunan noong Monday afternoon sa 38 Valencia Events Place ni Mother Lily Monteverde. At hindi nga ipinagkait ng dalawa na ipakita on national television ang prenup pictorial nila.

Comment sa Twitter sa shot na pareho silang nakaputi at nasa kama, kahit daw ganoon ang shot ng dalawa ay wholesome pa rin ang dating nila. Kahit nagkukulitan sila, parang ang bango at ang linis, dahil pareho nga silang naka-white.

May shots din sila sa labas ng bahay na parang namamasyal sa garden, mayroon ding naka-wedding outfit na sila. At dito napansin iyong dalawang engagement ring na suot ni Maine. Iyong isa na may maliit na diamond, iyon ang suot niya nang mamanhikan si Alden noong Sabado, at suot niya doon sa pareho silang nakaputing outfit. Pero doon sa naka-wedding gown na si Maine, ang suot niya ay iyong lagi niyang suot na sabi’y engagement ring na malaki na ang bato at hindi iyon itinatago ni Maine, kahit nagpi-pictorial siya.

Sa huling series ng prenup pictorial ay nakasakay sila ng tricycle na si Alden ang nagmamaneho at nakayakap sa likod niya si Maine. Ang naalaala namin ay ang ganito ring shots ng DongYan prenup, si Dingdong Dantes ang nagda-drive ng tricycle at nakayakap sa likod niya si Marian Rivera. Sa huling pose, ang pabebe wave nila para sa kanilang fans.

Ngayon, ang big question, totohanan nga ba o bahagi lang ng kalyeserye ang kasalan na magaganap daw sa Sabado, sa isang exclusive village sa south?

Abangan na lang natin, dahil sa ngayon ay may mga paghahanda pa rin daw na ginagawa ang Eat Bulaga. (NORA CALDERON)